Ang Mga Katibayang Nagpapatunay sa Pagiging Tunay na Propeta (s)

Ang Mga Katibayan Mula sa Banal na Qur'an:

  • Ang Dakilang Allah, ay nagsabi:

    "Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni't Siya ang Sugo ng Allah at huli sa (kawing ng) mga Propeta. At ang Allah ang lagi nang Lubos na Maalam sa bawa't bagay." (Qur'an 33:40)

  • Si Hesus (a) anak ni Maria (Eesa ibn Maryam) ay nagbigay ng magandang balita tungkol sa pagdating ni Propeta Muhammad (s) sa orihinal na Ebanghelyo. Ang Dakilang Allah ay nagsabi: "At (alalahanin) nang si Issa (Hesus), anak ni Maryam (Maria), ay nagsabi: O, Angkan ni Israel! Ako ay Sugo ng Allah sa inyo, na nagpapatunay sa Tawrat [Torah na dumating] na una sa akin, at nagbibigay ng magandang balita tungkol sa isang Sugo na darating pagkaraan ko, na ang pangalan ay Ahmad. Nguni't nang siya (Ahmad i.e Muhammad) ay dumating sa kanila na may dalang malinaw na katibayan, sila ay nagsabi: “Ito ay isang malinaw na salamangka!" (Qur'an 61:6)

Ang Mga Katibayan Mula sa Kanyang Sunnah:

Ang Propeta (s) ay nagsabi: 'Ang aking halimbawa at ang halimbawa ng mga Propetang nauna sa akin ay tulad ng isang taong nagtayo ng isang bahay, na kanyang itinayo at binuo maliban sa isang puwang ng isang tipak (ng bato); ang mga tao ay magsisilibot sa bahay at napapatingin nang may pagtataka sa kabuuan nito at nagsasabing, 'kundi lamang sa puwang na ito!' Ang Propeta ay nagsabi: 'Ako ang puwang na tipak (ng bato) na iyon, at ako ang Huli sa (kawing ng) mga Propeta.' (Bukhari #3342)

Ang Mga Katibayan Mula sa Mga Naunang Banal na Kasulatan:

Si Ataa' b. Yasaar (d), ay nagsabi: 'Kami ay nagkita ni Abdullah b. Amr b. al-Aas, (d) at siya ay aking tinanong: 'Sabihin mo nga sa akin ang tungkol sa paglalarawan sa Sugo ng Allah mula sa Aklat ng Torah (ni Moises).' Siya ay sumagot: 'Siya ay inilarawan sa Torah (ni Moises) na ang ilan sa kanyang katangian ay matatagpuan (ipinahayag) din sa Banal na Qur'an;

'Katotohanan na ikaw ay Aming isinugo bilang Saksi (sa sangkatauhan) at (bilang) isang naghahatid ng magandang balita, at nagbibigay babala sa iba, at isa na nangangalaga at nagtatanggol sa mga karaniwang tao. Ikaw ay Aking alipin at Sugo; Ikaw ay Aking tinawag na Mutawakkil (Ang Isang Pinagkatiwalaan). Hindi magaspang ang iyong pag-aasal at hindi rin marahas at hindi nagtataas ng tinig. Ikaw ay hindi gumaganti ng kasamaan laban sa kasamaan; bagkus, ikaw ay mapagpatawad at mapagparaya. Hindi Ko kukuhanin ang iyong kaluluwa hanggang hindi mo napapatnubayan ang mga pamayanan (mga bansa), at hanggang sila ay magpahayag ng, 'Walang ibang diyos na dapat sambahin kundi ang Allah at hanggang kanilang makita nang ganap na malinaw ang katotohanan.'

Si Ataa' b. Yasaar (d) ay nagsabi rin (upang bigyang katibayan ang salaysay sa itaas): "Kami ay nagkita ni Ka'b, ang Hudyong Rabbi, at tinanong ko siya tungkol sa salaysay na ito (na binanggit sa itaas), at wala itong pagkakaiba sa naturang salaysay ni Abdullah b. Amr b. Al-Aas, maliban sa isang maliit na pagkakaiba sa (paraan ng paggamit ng) salita sa pagsasalaysay." (Baihaqi #13079)

Si Abdul-Ahad Dawud, isang Chaldean na Pari na yumakap sa Islam (dalubhasa sa mga Semitikong Wika) ay nagsabi sa kanyang pagsusuri sa Propesiyang nauukol kay Propeta Muhammad (s): 'Nguni't tinangka kong gawing batayan ang aking argumento sa mga bahagi ng Bibliya na maaaring makapagdulot ng pagtatalo sa wikang ginagamit. Kaya, hindi ko ginamit ang wikang Latino, Griyego, o kaya ay Aramaiko, sapagka't ito ay walang saysay: Ibibigay ko lamang ang mga sumusunod na kataga mula sa mga salita mismo ng Revised Version na inilimbag ng 'British and Foreign Bible Society'.

Ating mababasa ang sumusunod na mga salita sa Aklat ng Deuteronomio kabanata xviii. Talata bilang 18: "Aking palilitawin sa kanila ang isang Propeta mula sa kanilang mga kapatid, na tulad mo; at aking ilalagay sa kanyang bibig ang aking salita." Kung ang mga salitang ito ay hindi naaangkop kay Propeta Muhammad (s), nangangahulugang ito ay nananatiling walang katuparan. Si Propet Hesus (a) sa kanya mismong sarili ay hindi nag-angkin na siya ang tinutukoy na Propeta sa naturang talata bilang 18. Maging ang kanyang mga disipulo ay magkakatulad sa gayong opinyon: sila ay naghintay sa ikalawang pagbabalik ni Hesus (a) bilang katuparan ng gayong hula. Kaya, hindi mapag-aalinlanganan na ang unang pagdating ni Hesus (a) ay hindi isang palatandaan ng pagdating ng "Propetang katulad mo," at ang kanyang ikalawang pagdating ay hindi rin tanda ng katuparan ng salitang ito. Si Hesus (a), sa paniniwala ng simbahan ay lilitaw bilang Hukom at hindi tagapagbigay ng Batas, at ang isang ipinangako na darating ay may dalang "nagngangalit na batas" sa "kanyang kanang kamay."

Sa pagsusuri upang bigyang katiyakan ang katangian ng Propetang Ipinangako, ang ibang propesiya ni Moises () ay makatutulong na kung saan tinutukoy ang; "Liwanag ng Diyos mula sa Paran, ito ay walang iba kundi ang bundok sa Makkah. Ang mga salita sa Aklat ng Deuteronomio, kabanata xxxiii. Talata bilang 2, ay nagsasabi ng ganito: "Ang Panginoon ay dumating mula sa Sinai, at lumitaw mula sa Seir sa kanila; at nagliwanag nang buong ganap mula sa Bundok Paran, at siya ay dumating kasama ng sampung libong mga banal (mabubuting tao); at mula sa kanyang kanang kamay ay tangan niya ang nagngangalit na batas para sa kanila."

Sa mga salitang ito, ang Panginoon ay itinulad sa araw. Siya ay nagmula sa Sinai, siya ay sumikat mula sa Seir, nguni't siya ay nagliwanag sa kanyang ganap na kaluwalhatian mula sa Paran, na kung saan siya ay lumitaw na kasama ang sampung libong mga santo (mabubuting tao) na may dalang 'nagngangalit na batas" sa kanyang kanang kamay. Wala sa mga Israelitas, kabilang si Hesus (a) ang may anumang kaugnayan sa pook na tinawag na 'Paran". Si Hagar (ang isa sa asawa ni Propeta Abraham), kasama ang kanyang anak na lalaking si Ishmael, ay namalagi o nanahan sa ilang (kasukalan) ng Beersheba, na pagkaraan ay namuhay at nanirahan sa ilang (kasukalan) ng Paran (Gen. xxi. 21). Pinakasalan niya ang isang babaing Ehipto, at sa pamamagitan ng kanilang panganay na anak na si Kedar, ay nagsimula ang lahi ng mga Arabo na mula noong panahong yaon at hanggang sa kasalukuyan ay nanahan o nabubuhay sa kasukalan ng Paran. At kung si Propeta Muhammad (s) ay walang alinlangang nagmula sa lahi ni Ishmael sa pamamagitan ni Kedar at siya ay lumitaw bilang propeta sa ilang (kasukalan) ng Paran at muling nagbalik sa Makkah na kasama ang sampung libong banal at nagbigay ng isang nagngangalit na batas sa kanyang mga mamamayan, hindi ba ang propesiyang ito na binanggit sa itaas ay natupad sa pinakamalinaw na salita nito?

Ang mga salita ng propesiyang nilalaman ng Habakkuk ay mga bagay na kapansin-pansin. Ang kanyang (ang Isang Pinagpala mula sa Paran) karangalan ay saklaw ang mga kalangitan at kalupaang punung-puno ng kanyang papuri. Ang salitang "papuri" ay makahulugan, sa kadahilanang ang pangalanang Muhammad (s) sa tunay na kahulugan nito ay "ang isang pinupuri". Maliban sa mga Arabo, ang mga naninirahan sa kasukalan ng Paran ay pinangakuan na rin ng Kapahayagan: "Hayaan ang kasukalan at ang mga kabayanan nito ay itaas ang kanilang tinig, ang bayang tinitirahan ni Kedar: hayaang umawit ang mga naninirahan sa bato, hayaan silang sumigaw sa ibabaw ng mga kabundukan. Hayaan silang magbigay ng parangal sa kanilang panginoon at ipahayag ang Kanyang kapurihan sa mga kalupaan. Ang Panginoon ay darating na parang lalaking makapangyarihan, kanyang guguluhin ang mga mapanibugho na parang lalaking mandirigma na kanyang isinisigaw; siya ay magwawagi laban sa kanyang mga kaaway" (Isaiah).

Mayroon ding dalawang mga propesiyang dapat pagtuunan ng pansin dahil may kinalaman ito kay Kedar. Ang isa ay nabanggit sa kabanata 50 ng Isaias: "Bumangon, sumikat dahil dumating ang iyong liwanag at ang kadakilaan ng iyong Panginoon ay sa iyo lumitaw. Ang kawan ng mga kamelyo ay aabot sa iyo, ang mga kamelyo (dromedaries) ng Midian at Ephah; silang lahat ay magmumula sa Sheba ay darating.. Ang lahat ng kawan ni Kedar ay titipunin sa iyo ng sama-sama, ang mga lalaking tupa ng Nebaioth ay sa iyo maglilingkod: sila ay darating kasama ng kanilang pagtanggap sa aking dambana, at aking luluwalhatiin ang tahanan ng aking kaluwalhatian" (1-7) Ang iba namang propesiya ay matatagpuan sa Isaias "Ang pasanin (tungkulin) ay sa (ibabaw ng) Arabia. Sa kagubatan ng Arabia kayo manirahan, kayong mga manlalakbay na kasama ni Dedanim. Ang mga naninirahan sa lupain ng Tema na nagbigay ng tubig sa kanya na nauuhaw at pinigil nila ang kanilang tinapay sa mga nagsitakas sa kadahilanang tinakasan nila ang mga espada at palaso at mula na rin sa kabigatan ng digmaan. Kaya sinabihan ako ng Panginoon; Sa loob ng isang taon ayon sa taon ng mga nagpapaupa, at ang lahat ng karangalan ni Kedar ay hindi magtatagumpay; at ang matitira sa bilang ng mga mamamana, ang mga matitigas ng angkan ni Kedar ay liliit (mababawasan)." Basahin ang propesiyang ito sa Isaias bilang paliwanag ng isang napapaloob sa Deuteronomio na bumabanggit sa pagsikat ng Diyos mula sa Paran.

Kung si Ishmael ay nanirahan sa kasukalan ng Paran, na kung saan ay doon niya ipinanganak si Kedar, na mga ninuno ng mga Arabo; at kung ang mga anak na lalaki ni Kedar ay makatatanggap ng kapahayagan mula sa Diyos; kung ang mga kawan ni Kedar ay tanggapin ang Dakilang dambana upang luwalhatiin "ang kaluwalhatian ng aking tahanan" na kung saan ay matatakpan ng kadiliman ang mundo ng ilang dantaon, at pagkaraan ang lupaing yaon ay makatatanggap ng liwanag mula sa Diyos; at kung ang lahat ng kadakilaan ni Kedar ay mabigo at ang bilang ng mga mangangaso, ang mga lalaking malalakas mula sa mga supling ni Kedar ay mababawasan sa loob ng isang taon pagkatapos tumakas ang isa mula sa mga espada at pana – ang tinutukoy na Isang Dakila mula sa Paran (Habakkuk iii 3 ) ay walang iba kundi ang Propeta Muhammad (s). Si Propeta Muhammad (s) ay ang banal na supling ni Ishmael mula kay Kedar, na nanirahan sa disyerto ng Paran. Si Muhammad (s) ay siya lamang ang Propeta na kung saan ang mga arabo ay nakatanggap ng kapahayagan sa panahon na ang mundo ay balot ng kadiliman.

Sa pamamagitan niya, ang Diyos ay sumikat mula sa Paran, at ang Makkah ay ang pook na kung saan ang Bahay ng Diyos ay niluluwalhati at ang mga angkan ni Kedar ay dumating at tinanggap ang Kanyang dambana. Si Propeta Muhammad (s) ay inusig ng kanyang mga mamamayan at napilitang iwanan ang Makkah. Sa gayong kalagayan, siya ay uhaw na uhaw na tumakas mula sa mga espadang nakabunot at mga panang nakahanda, at pagkaraan ng isang taon mula nang siya ay lumisan, ang mga supling ni Kedar (na ang tawag ay tribu ng Quraish) ay sumalubong sa kanya sa Badr, ang kauna-unahang pook ng digmaan sa pagitan ng mga taga Makkah at ng Propeta. Ang mga anak ni Kedar at ang bilang ng kanilang mamamana ay lumiit at ang lahat ng kanilang tagumpay ay nabigo. Kaya, kung ang Propeta ay hindi tanggapin bilang katuparan ng lahat ng propesiyang ito samakatuwid, ito ay mananatiling hindi pa naisakatuparan. "Ang bahay ng aking kaluwalhatian" ay tumutukoy ito sa Isaias lX ay ang bahay ng Diyos sa Makkah (na kilala sa tawag na Masjid Al Haram na kung saan ang Ka'bah ay nakatayo bilang sagisag ng Pagsamba sa Nag-iisang Diyos) at hindi ang Simbahan ni Kristo na kung saan ay ito ang iniisip ng mga komentaristang mga Kristiyano. Ang kawan o angkan ni Kedar, na nabanggit sa talata bilang 7, ay kailanman ay hindi nakapunta sa Simbahan ni Kristo; at ito ay katotohanan na ang mga bayan ni Kedar at ang mga naninirahan dito ay tanging nalalabing mga tao sa buong mundo na nananatiling hindi napasok ng anumang impluwensiya ng Simbahan ni Kristo.

Muli, ang pagkabanggit ng 10,000 mga banal mula Deuteronomio xxx 3 sadyang makahulugan. Siya (ang Diyos) ay sumikat mula sa Paran, at siya ay dumating kasama ang 10,000 mga banal. Basahin ang buong kasaysayan ng disyerto ng Paran at matatagpuan mo roon na walang ibang pangyayaring naganap maliban sa Makkah noong sakupin ito ng Propeta Muhammad (s). Siya ay dumating kasama ang 10,000 mga tagasunod galing Madinah at muling pumasok sa “ang bahay ng Aking Kaluwalhatian." Kanyang ipinagkaloob ang nagngangalit na batas sa buong mundo na siyang nagpabagsak sa ibang batas. Ang Tagapag-aliw – ang Espiritu ng Katotohanan – na nabanggit ni Propeta Hesus (a) y walang iba kundi ang Propeta Muhammad (s). Hindi maaaring ipakahulugan bilang “the Holy Ghost”, sa kadahilanang ayon sa turo ng teolohiya ng Simbahan na kanyang sinabi, “Kinakailangan para sa iyo na ako ay lumisan,: sinabi ni Hesus (a), “Dahil kung hindi ako lilisan, ang Tagapag-aliw ay hindi darating sa inyo, subali't kung ako ay umalis ay (siya ay) aking ipapadala sa inyo.”

Maliwanag na ang Tagapag-aliw ay darating pagkaraan ni Hesus (a) at hindi niya kasama ng kanyang banggitin ang mga salitang ito. Samakatuwid, maaari ba nating ipagpalagay na mawawala ang Banal na Espiritu sa kanya kung ang kanyang pagbabalik ay kondisyonal ayon sa paglisan ni Hesus (a)? Bukod pa rito, ang paraan kung paano siya inilarawan ni Hesus (a) ay ginawa siyang tao at hindi espiritu. "Hindi siya magsasabi ng kanyang sarili subali't anumang kanyang narinig ay iyon ang kanyang sasabihin." Dapat ba nating ipagpalagay na ang Banal na Espiritu at ang Diyos ay dalawang bagay na magkaiba na kung saan ang Banal na Espiritu ay magsasabi hinggil sa kanyang sarili at ganoon din na kanyang sasabihin ang mga bagay na narinig mula sa Diyos? Ang mga salita ni Hesus (a) ay maliwanag na tumutukoy sa ibang Sugo ng Diyos. Siya ay kanyang tinawag bilang Espiritu ng Katotohanan at ganoon din ang Qur'an na nagsasabi kay Propeta Muhammad (s). "Nguni't! Siya (si Muhammad) ay dumating nang may dalang katotohanan at siya ay nagpapatunay sa mga Sugo (na nauna sa kanya)." Ch.37:37 (Muhammad in the Bible, Abdul-Ahad Dawud.)

Ang Mga Katibayan Mula sa Ebanghelyo

Sinabi ni Hesus (a): 'Itataas ako ng Diyos mula sa lupa, at ipapalit Niya ang isang traydor upang ang lahat ay makapaniwala na siya ay ako; Gayun pa man, kapag siya ay namatay ng isang napakasamang pagkamatay, ako ay mananatili sa kahihiyang ito ng mahabang panahon sa mundo. Subali't, sa panahon ng pagdating ni Mohammed, ang banal na Sugo ng Diyos, ang kadusta-dustang dangal ay maglalaho sa akin.' (The Gospel of Barnabas, Chapter 112)

Kanyang dinagdagan pa ang sinabi: 'Si Adan, nang siya ay tumayo sa kanyang mga paa ay nakita niya mula sa kalawakan ang kasulatan na nagniningning na tulad ng araw na nagsasabi: 'May isang Diyos lamang at si Mohammad ay Sugo ng Diyos.' Pagkatapos, siya ang kauna-unahang taong humalik sa mga salitang ito nang may pagmamahal bilang ama at kanyang hinaplos ang kanyang mga mata at nagsabing: "Pagpapala sa araw ng iyong pagdating sa mundo." (The Gospel of Barnabas, Chapter 39)

That Prophet is not Jesus, but Muhammad, because John the Baptist continued preaching and baptizing and foretelling the coming of that Prophet during the life-time of Jesus.

*Jesus:
The Prophet Jesus foretold the coming of another Prophet, whose name would be ‘Periqlytos’ or ‘Paraclete’ or ‘Paracalon’ and who (that is, whose teaching) would last forever, ‘I will pray the Father, and He shall give you another Comforter (Periqlytos), that he may abide with you forever.’ (John XIV, 16).

The word periqlytos means ‘illustrious, ‘renowned’ and ‘praiseworthy’ and this is exactly what the name ‘Ahmed’ means. It is confirmed in the Qur’an that the Prophet Jesus did prophesize that a Prophet named ‘Ahmed’ would come after him. God, the Exalted, says:(And remember when Jesus the son of Mary, said: “O Children of Israel! I am the Messenger of Allah unto you, confirming the Torah which came before me, and giving glad tidings of a Messenger to come after me, whose name shall be Ahmed.) (61:6)