Panimula
At walang alinlangan na ang kanilang magiging konklusiyon ay katulad din ng mga matatalinong di-Muslim na sa ilalim ng kanilang makatuwirang pagsusuri, ay kanilang natagpuan ang mga natatanging ugali at asal ng Propeta (s).
Ugali At Katangian Ng Propeta
Ang Kagandahang Asal, at Mabuting Pakikitungo: Ang tagapagsalaysay ay nagsabi; 'Ako ay nagtanong kay A'ishah, nawa'y kalugdan siya ng Allah), na ipagbigay-alam sa akin ang tungkol sa pag-uugali ng Propeta, at siya ay nagsabi:
"Ang kanyang pag-uugali ay ang Qur'an."
Ang Mga Katibayang Nagpapatunay Sa Pagiging Tunay Na Propeta
Ang Dakilang Allah, ay nagsabi:"Si Muhammad ay hindi ama ng sinuman sa inyong mga kalalakihan, nguni't Siya ang Sugo ng Allah at huli sa (kawing ng) mga Propeta. At ang Allah ang lagi nang Lubos na Maalam sa bawa't bagay." (Qur'an 33:40)
Magbasa pa +Ang Ibang Disente, At Kalugud-Lugod Na Asal Ng Propeta
Ang Propeta (s) ay sumasangguni sa kanyang mga kasamahan at isinasaalang-alang niya ang kanilang mga payo at mga pananaw na nauukol sa iba't ibang suliranin at mga paksa na walang pinagbabatayan sa kapahayagan ng Qur'an. Si Abu Hurairah (d), ay nagsabi: 'Wala akong nakitang tao na higit na masigasig para sa tapat na payo ng kanyang kasamahan maliban sa Sugo ng Allah .' (Tirmidthi #1714) Magbasa pa +Tinatalikdan niya ang makamundo o materyal na kasiyahan o kasayahan at ginugugol niya (s) ang gabi sa pagsamba sa Allah (U). Siya (s) ay matapang na sundalo at malakas ang loob na nakipaglaban sa pamamagitan ng espada. Siya ang di-nagkakamaling Propeta (s), na nakipaglaban sa maraming pamayanan at bansa upang ibantayog ang pagsamba sa Nag-iisang Diyos at ang makatarungang Batas ng Islam. Siya (s) ay natutulog sa banig na gawa sa tuyong damo at unan na nilagyan ng dayami.
Siya ay tinanghal at tinagurian ng mga mamamayan bilang Sultan ng mga Arabo at bilang Hari ng Peninsula ng Arabia, datapwa’t ang kanyang pamilya ay pangkaraniwan lamang ang pamumuhay, kahit na ang kanyang pamayanan ay nakalikom ng malaking kayamanan, ang mga ito ay inilagak sa Masjib. Si Fatima, kalugdan nawa siya ng Allah, (anak ng Propeta, s) ay dumaing sa hirap ng kanyang mga gawain, (tulad ng) pagbubuhat ng batong panggiling at lalagyan ng tubig na nag-iwan ng marka sa kanyang katawan. Ang Propeta (s) noon ay namamahagi ng mga babae at lalaking alipin bilang kawanggawa para sa mga Muslim. Nguni't siya (Fatima, kalugdan nawa siya ng Allah) ay hindi binigyan ng bahagi, sa halip siya ay tinuruan ng magandang salita at panalangin.