Mga Pahayag ng Makatarungan at Pagkapantay-pantay
Ang Alemanyang Manunula, si Goethe
ay nagsabi:
'Ako ay nagsaliksik sa kasaysayan para sa Huwarang Tao at ito ay aking natagpuan sa katauhan ni Muhammad.'
Ang Propesor na si Keith Moore
ay nagsabi mula sa kanyang aklat na:
"The Developing Human": Maliwanag na sa akin na ang mga pahayag na ito ay dumating kay Muhammad mula sa Diyos, o Allah, sapagka't ang karamihan sa mga kaalamang ito ay natagpuan lamang pagkalipas ng maraming dekada. Ito ay nagpapatunay sa akin na si Muhammad ay Sugo ng Diyos, o Allah.' At sinabi pa niya: 'Wala akong nakikitang dahilan upang hindi tanggapin ito ng aking pag-iisip, na itong mga pahayag na ito ay mga banal na kapahayagan o rebelasyon na siyang nagbigay daan upang ito ay ipahayag niya (ni Muhammad).'
Si Dr. Maurice Bucaille
isang Siyentipikong Pranses, ay nagsabi mula sa kanyang aklat na "The Qur'an, and Modern Science"
‘Ang isang ganap na makatuwirang pagsusuri nito [ang Qur'an] batay sa makabagong kaalaman, ay umaakay sa atin upang tanggapin ang namagitan sa dalawa tulad ng sinabi sa ilang ulit na pagkakataon. Lubhang hindi natin mapag-iisipan para sa isang tao sa panahon ni Muhammad na siya ang may akda ng gayong kapahayagan, sanhi ng kalagayan ng kaalaman noong kanyang panahon. Ang gayong mga pagsasaalang-alang ay mga bahagi ng pagiging kakaiba ng kapahayagan ng Qur'an, at napipilitan ang makatuwirang siyentipiko na tanggapin niya (bilang siyentipiko) ang kanyang kawalang kakayahang magbigay ng paliwanag na batay lamang sa materyalistikong pangangatuwiran.’
At sinabi pa niya: “Ang nabanggit na obserbasyon sa itaas ay nagbigay ng paunang mungkahi ng mga nakakita kay Muhammad na nag-aakalang siya ang may-akda ng Qur’an ay sadyang walang batayan. Paanong ang isang tao mula sa pagiging isang di-nag-aral ay naging isa sa mahalagang may-akda sa larangan ng likhaing panitikan sa buong pampanitikang Arabik? Paano niya, kung gayon, naipahayag ang mga katotohanan ng kalikasan ng agham samantalang walang tao ang maaaring makagawa ng gayong pahayag sa panahong yaon, at ang lahat ng mga ito kahit minsan ay hindi nagkaroon ng kahit bahagyang kamalian sa kanyang pagpapahayag sa naturang paksa?” “The Bible, the Qur’an and Science”, 1978, pahina 125.
Annie Besant
Sinabi ni sa kanyang aklat na pinamagatang 'The Life and Teachings of Mohammad':
'The Life and Teachings of Mohammad': “Imposible sa sinumang nag-ukol ng pag-aaral sa buhay at ugali ng Dakilang Propeta ng Arabia, na nalaman kung paano siya nagturo at kung paano siya namuhay upang maramdaman niya ang anuman maliban sa isang mapitagan at mataimtim na paggalang sa isang makapangyarihang Propeta, isa sa dakilang Sugo ng Kataas-taasang (Diyos). At bagama’t mayroon akong sasabihin sa inyo na maaaring ituring ng karamihan na ito ay pangkaraniwan lamang, nguni’t sa aking sarili kapag aking binabasa ito (ang Qur’an) nang paulit-ulit, may damdamin ng paghanga ang aking nadarama at isang bagong damdamin ng kabanalan para sa makapangyarihang guro ng lupaing Arabia.” “The Life and Teachings of Muhammad”, Madras 1932, pahina 4.
Si Dr. Gustav Weil
sa aklat na pinamagatang 'History of the Islamic Peoples' ay nagsabi:
'Si Muhammad ay isang nagniningning na halimbawa sa kanyang mga mamamayan. Ang kanyang pag-uugali ay dalisay at walang bahid-dungis. Ang kanyang pamamahay, ang kanyang pananamit, ang kanyang pagkain –ang mga ito ay naglalarawan ng isang payak na pamumuhay. Siya ay walang pagkukunwari na hindi niya tinatanggap mula sa kanyang mga kasamahan ang isang kakaibang pagtatangi at hindi siya tumatanggap ng anumang paglilingkod sa kanyang alipin na maaari naman niyang gawin para sa kanyang sarili. Siya ay madaling lapitan sa lahat ng oras. Siya ay dumadalaw sa mga may sakit at lubos na nakikiramay para sa lahat. Walang katapusan ang kanyang kabaitan at pagiging mapagbigay at siya ay lubhang maalalahanin para sa kabutihan ng kanyang pamayanan.
Si Maurice Gaudefroy
ay nagsabi:
'Si Muhammad ay isang Propeta, hindi isang teologo, isang malinaw na katotohanan na hindi mapipigilang banggitin. Ang mga taong nakapaligid sa kanya na binubuo ng mga kinikilalang maimpluwensiyang tao sa pamayanang Muslim ay nasisiyahan na lamang sa kanilang mga sarili sa pagsunod sa batas na kanyang ibinantayog sa Ngalan ng Allah at sa pagsunod sa kanyang mga aral at halimbawa.' (Encyclopedia of Seerah, for Afzalur-Rahman)
Si Washington Irving
ay nagsabi:
'Ang kanyang tagumpay sa larangan ng digmaan ay hindi naghatid sa kanya upang magkaroon ng pagmamataas o pagdakila sa sarili na maaaring mangyari kung siya ay nabalutan ng mga makasariling hangarin. Sa panahon ng kanyang pinakamalaking kapangyarihan, siya ay nanatili sa simpleng pag-uugali at anyo tulad din noong mga panahon ng kanyang paghihikahos. Sadyang napakalayo mula sa marangyang kalagayan, siya ay nayayamot kung sa pagpasok niya sa pagtitipon ay may di-karaniwang paggalang o pagbati ang ipinakikita sa kanya.'
Si Marquis ng Dufferin
ay nagsabi:
'Ito ay dahil sa agham ng Muslim, sining ng Muslim, at panitikan ng Muslim na ang Europa ay may malaking sukat na pinagkakautangan para sa kalayaan nito mula sa dilim ng Middle Ages.' (ibid.)